Dreame - The Mafia Boss' Rejected Wife
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

The Mafia Boss' Rejected Wife
book-rating-imgREADING AGE 18+
Introvie
Romance
ABSTRACT
​Si Emilia Sophia "Emma" Herrera ay nakatali sa isang arranged marriage kay Kaisel Knoxx "Kai" Ibarra dahil sa mahigpit na kasunduan ng kanilang mga lolo na matalik na magkaibigan. Sa paningin ng mundo, si Kai ang perpekto at kinatatakutang CEO ng Ibarra Group of Companies sa umaga na kumokontrol sa iba't ibang legal na negosyo, at ang misteryoso, malupit, at walang-awang Mafia Boss ng VOID Organization sa gabi na siyang naghahari sa black market ng bansa.​ Dahil sa matinding pagmamahal kay Kai mula pa noong bata sila—kung saan iniligtas niya ito mula sa isang madugong kapahamakan—tiniis ni Emma ang napakalamig at mapait nilang pagsasama, kahit pa hayagan siyang itakwil at utusang maglayas ni Kai sa mismong unang gabi ng kanilang kasal.  Pagkalipas ng tatlong taon, niyanig ang kanilang tahimik ngunit pilit na relasyon sa pagbabalik ni Sofia Amora Montez mula sa ibang bansa, ang kababata ni Kai at ang babaeng pinaniniwalaan nitong tanging nagmamay-ari ng kanyang puso at pagmamahal. Habang tahimik na nagtitiis si Emma, unti-unting nakaramdam ng awa at hindi maipaliwanag na interes si Kai sa kanyang asawa, ngunit unti unti nang napapagod ng husto ni Emma.