Dreame - MARILENA: Forbidden Desires
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

MARILENA: Forbidden Desires
book-rating-imgREADING AGE 18+
Gracieheart
Romance
ABSTRACT
Kung may time machine ba at babalik siya sa nakaraan, siya na kaya ang pipiliin ni Lena kung maaga siyang magtatapat ng pagmamahal niya? ♡♡♡♡♡ Nabigo si Rick sa pag-ibig dahil ibang lalaki ang pinili at minahal ni Lena, ang babaing mahal niya. Aminado naman siya na may kapabayaan at pagkukulang din siya dahil iniwan niya si Lena noong panahong kailangan siya ng dalaga. Hindi niya ito noon nagawang iligtas mula sa pang-aabuso ng bestfriend niya. At noong handa na siyang kunin at i-prioritize si Lena ay nahuli na siya dahil dumating na sa buhay nito ang isang lalaki na tumanggap rito nang buo at nagmahalan na ang dalawa. Nagparaya siya agad dahil ramdam niyang iyon ang ikasasaya ni Lena. At noong panahong iyon ay hindi pa niya alam na mahal niya ang dalaga. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nakakilala siya ng isang tao na kayang gumawa ng time machine para sa kanya. Sinunggaban niya ang pagkakataong iyon para makabalik sa nakaraan at mapalapit sa isang tao na mahalaga sa buhay niya, higit lalo na makasama at maramdaman ulit si Lena sa tabi niya. Sa pagbalik niya sa nakaraan, siya na kaya ang pipiliin ni Lena? O mananatili pa rin ba siyang mag-isa hanggang sa tumanda na siya?Makukuntento na kaya siya na makakasama lang ulit niya si Lena at hahayaan niya pa rin itong mapunta sa iba? Magkakalapit na kaya sila ng isa pang tao na isa sa mga dahilan ng pagbalik niya sa past? Pero paano kung ang taong ito ay ang karibal niya rin kay Lena? Magpaparaya ba ulit siya o ipaglalaban na niya ang pagmamahal niya kahit muling lumayo ang loob nito sa kanya?Babaguhin ba niya ang future nila ngayong may kakayahan na siyang baguhin ang past nila?