Dreame - The Coward Husband (Amir)
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

The Coward Husband (Amir)
book-rating-imgREADING AGE 18+
OBIEYASH
Romance
ABSTRACT
Sa magkakapatid, si Amir na yata ang pinakasusukuan ng lahat. Sa labis na katigasan ng ulo ay pinarusahan siya ng kaniyang mga magulang at ipinatapon sa ibang bansa upang doon mag-aral. Kahit ang kaniyang mga nakatatandang kapatid ay napipikon at nabubuwisit sa tuwing nakikita siya. Siya ang laging napapagalitan at nasasangkot sa gulo. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbago at nagkaisip si Amir. Akala niya ay magiging maayos at payapa na ang takbo ng kaniyang buhay—ngunit nagkamali siya. Nagulo ang kaniyang mundo sa biglaang paghahabol at lantarang pag-amin ng pag-ibig ni Alyssa. Kahit ilang beses na niyang sinabing wala siyang nararamdaman para rito, patuloy pa rin itong nagpupumilit. Marami nang babaeng nakilala si Amir, ngunit si Alyssa lang ang tanging hindi kayang tumalikod at kalimutan siya. Si Alyssa ang babaeng kahit sariling dignidad ang maging kapalit, hinding-hindi siya magagawang sukuan na lamang. Hanggang saan aabot ang pagbubulag-bulagan ni Amir para sa dalaga? Hanggang kailan siya magiging duwag sa katotohanan na tanging si Alyssa lang ang babaeng kasing-tigas ng ulo niyang magmahal? At ano ang gagawin niya sa oras na hilingin nitong maging kabit niya? Papayag ba siya na maging ganoon na lang ang papel ng dalagang handang gawin ang lahat para sa kaniya?