Dreame - Paano kita mamahalin?
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

Paano kita mamahalin?
book-rating-imgREADING AGE 18+
Neexist
Romance
ABSTRACT
PROLOGUE Hindi ako makapaniwala, narito ako ngayon sa bahay ng aking Ina.Para akong nananaginip.,sa bawat hagod ng paningin ko sa napakalaking bahay na ito ay para akong nalulula sa laki at wari ko ay mamahalin pa ang mga kasangkapang naririto. "Halika tumuloy ka" Saad sa akin ng aking ina. Sumusunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa may sala at doon nagulat pa ako ng hindi ko inaaasahang naroroon pala ang asawa at mga anak ng pangalawang asawa ng aking ina. Dalawang babae at isang lalaki na abala sa kanyang cellphone na para bang wala siyang pakialam sa paligid. Ni hindi manlang umangat ng tingin kung sino man ang dumating.Malikot ang aking mga mata. Naninibago ako sa paligid ko,tinitingnan ko yung lalaki,sa tingin ko..,ito siguro yung panganay kaya lang parang masungit. Inaya akong umupo ng stepfather ko,kaya nahinto ako sa pagmuni-muni sa lalaking iyon.Nakangiti sa akin ang stepfather ko habang inaalok akong umupo. Naiilang man ay ngumiti din akong bahagya. Ang atensyon nilang lahat ay nasa akin maliban sa lalaking iyon. "Everyone.. meet my daughter Ritz Caroline Marasigan, she's my only daughter to my late husband." pagpapakilala sa akin ni mama in English way. Umangat ng paningin Yung lalaki sa may tabi,kaya nakita ko ng maayos yung mukha niya. And..shit!! parang lumundag ang puso ko.,ang guwapo nya..Para akong nakakita ng isang male model na ang hot ng dating. "Hello po." Tawagin nyo na lang po akong Ritz " maikli kong pagpapakilala. Naiilang man ay pilit akong ngumiti sa kanila. Hindi ko alam kung magiging maganda ang pagtira ko dito sa poder ng aking ina.Pero kung hindi man..well Wala naman akong balak magpaaapi dito lalo pa't una sa lahat ayokong dito manirahan kasama ang second family ng aking ina. Salo-salo kami ngayon sa isang hapag-kainan.Napakaraming mga ibat-ibang putahe ang nakahanda sa mesa .Sobra kong excited sa pagkain..hindi ko namamalayan na pinagmamasdan ako ng lalaking iyon.