Dreame - THE THOUSANDTH GLANCE: THE KISS OF CUPID'S ARROW 4
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

THE THOUSANDTH GLANCE: THE KISS OF CUPID'S ARROW 4
book-rating-imgREADING AGE 18+
canyouhearthemusique
Romance
ABSTRACT
Friendship or sibling rule #1: Don’t catch feelings for the same person. Nawalan ng pinaka matalik na kaibigan si Claudia dahil nagkagusto siya sa lalaking crush na crush nito at nalaman iyon ng kaibigan niya. Simula noon ay naging maingat na siya. Ayaw na niya ulit na mawalan ng kaibigan dahil lang sa isang lalaki. Kaya naman noong nagkaroon ng crush ang ate niya at sinabi nito iyon sa kanya ay pilit niyang iniwasan na makilala ang crush nito, sa takot na baka magkaroon siya ng gusto sa crush nito at maging dahilan pa iyon ng malaking problema niya sa hinaharap. Isang araw ay humingi ng tulong ang ate niya. Inutusan siya nito na alamin kung may secret girlfriend ang lalaking crush na crush nito. Nalaman naman niyang wala talagang secret girlfriend ang crush nitong si Joaquin San Luis. Mukha lang talaga itong may tinatagong girlfriend dahil masyado itong goal oriented. Mas mahalaga kay Joaquin na matupad ang mga pangarap nito kesa ang mag focus sa isang babae. Tapos na ang pabor na hinihingi ng ate niya pero mukhang hindi pa siya tapos na kilalanin si Joaquin. Bitin na bitin siya. She wanted to know him even more. Sa sobrang pagkabitin niya ay nawala siya sa sarili at nakagawa ng isang bagay na alam niyang pwede niyang pagsisihan sa huli. Niligawan niya si Joaquin sa text at nagpanggap siya na ate niya. Hindi niya inaasahan na mahuhulog si Joaquin sa kanya–pero sa ibang pangalan at sa ibang mukha ito nahulog, at iyon ay ang ate niya! Sa huli ay naging boyfriend ng ate niya si Joaquin pero hindi rin nagtagal ang relasyon ng mga ito. Nalaman niya na hindi lang pala ang ate niya ang kilala niyang may gusto kay Joaquin. May ilang mga kaibigan rin siya na may gusto kay Joaquin at hindi siya makapaniwala na lahat iyon ay naging boyfriend si Joaquin! Ultimo ang baklang kaibigan niyang si Jeff ay napansin ni Joaquin at pinagbigyan ito sa isang exclusive date bago ito umalis at nagtrabaho ng matagal sa ibang bansa! Pagkalipas ng ilang taon ay nabalitaan niyang babalik na si Joaquin sa Pilipinas. May kaibigan na naman siyang may crush kay Joaquin pero wala na siyang pakialam sa rule na sinet niya dati. Claudia was thinking of ways to make Joaquin notice her too. But when she tried doing so, it seems like she’s the only one who is out of his radar. Nagmistula lang siyang hangin sa paningin ni Joaquin kaya napilitan na siyang gamitin ang kapatid nito para lang makuha ng tuluyan ang pansin nito!