Dreame - THE CEO'S PREGNANT BEDMATE
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

THE CEO'S PREGNANT BEDMATE
book-rating-imgREADING AGE 18+
Ingrid de la Torre
Steamy Stories
ABSTRACT
“I am pregnant,” bigkas ni Trinidad. “And you are the father, Ares. Congrats. We’re going to have a baby.” His jaw tightened, his expression tense. Ayaw nitong tanggaping buntis siya. “Pakasalan mo ako, Ares,” aniya. Base sa reaksiyon ng binata, alam na niyang wala siyang maaasahan dito. Pero gusto niya pa ring marinig ang isasagot nito sa kaniya. “No!” maigting nitong pagkontra. “No? Ayaw mo akong pakasalan?” Imbes na sumagot ay gumalaw lang ang linya ng panga ng binata. Hinaklit siya nito sa siko at itinulak paupo sa naroong sofa. Ang isang kamay nito ay dumiin sa sandalan ng upuan. Ang kabilang kamay naman nito ay sumapo sa tiyan niya. Nagniningas ang galit sa mga mata nito. Bumaba ang tingin nito sa tiyan niya kung saan nakasapo ang kamay nito. “There is no baby here, right?” “Naniniwala ka ba talagang wala?” Tanong ang isinagot niya sa tanong nito. “Trinidad!” Sumiklab ang emosyon ni Ares. “How come I never noticed before that you were setting a trap for me?” Sumungaw ang mapaklang ngiti sa mga labi niya. “Ang dami mong sinasabi, Ares. Isa lang ang gusto kong malaman—pakakasalan mo ba ako ngayong buntis na ako, o hindi?” “You don’t have to pretend you’re pregnant. Huwag mo akong pikotin.” Ang bawat salitang binibigkas nito ay marahas na umaalpas sa pagitan ng halos mabasag sa paglalapat nitong mga ngipin. “Akala ko, hindi ka katulad ng ibang babae na desperadang gumawa ng paraan para lang makuha ang apelido ko. I had no idea you were just like them. Iisang tabas lang kayo ng tela! You are also desperate!” Gumuhit ang sakit sa dibdib ni Trinidad. “What you’re doing right now is disgusting, Trinidad.” Umungol ito, namumula ang mukha. “I can’t believe this is happening to us! Hindi ko akalaing sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw pa talaga—ikaw pa pala—ang pipikot sa akin!”