Dreame - The Human Core : Claimed by Four Devils
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

The Human Core : Claimed by Four Devils
book-rating-imgREADING AGE 18+
Kirushi
Fantasy
ABSTRACT
Sa gitna ng apat na naglalakihang kaharian ay ang Nexus-ang huling balwarte ng sangkatauhan. Napaliligiran ito ng mga bampira sa Timog, mga lobo sa Silangan, at mga sirena sa Kanluran. Ngunit ang pinakamadilim na anino ay nagmumula sa Hilaga: ang Wilderfell, ang tahanan ng mga demonyo. Ngunit may sikretong hindi alam ng karamihan. Ang apat na pinuno ng Valerion ay hindi lamang magkakaiba ng lahi; silang lahat ay may dugong demonyo. Tatlo ay mga 'halflings' na nakuha ang bagsik ng North at ang sining ng kanilang pinagmulan, at isa ang nananatiling Pure Demon-ang pinakamalupit sa lahat. Para sa mga tao sa Nexus, ang "Human Core" ay isang titulong katumbas ng kamatayan. Isang tao ang ihahandog para maging tulay ng apat na diyablong ito. Ngayong taon, ang pangalang tinawag ay si Aella. Hindi niya alam kung siya ba ay magiging tagapagligtas ng Nexus...o ang bagong laruan na paghahatian ng apat na demonyong hindi marunong magmahal.