Dreame - SCANDALOUSLY YOURS: THE REBIRTH OF A SUPERSTAR
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

SCANDALOUSLY YOURS: THE REBIRTH OF A SUPERSTAR
book-rating-imgREADING AGE 18+
BB. HARAYA
Romance
ABSTRACT
Minsan, ang pinakamalaking pagkakamali ng isang babae ay ang isuko ang lahat para sa lalaking mahal niya. At iyon ang pagkakamaling ginawa ni Alexandra. Sa kasagsagan ng kanyang kasikatan, tinalikuran niya ang kinang ng showbiz upang pakasalan si Brian—ang lalaking minahal niya nang higit pa sa kanyang sariling mga pangarap. Ngayon, isa na itong makapangyarihang direktor-prodyuser, habang siya nama’y kuntento nang mamuhay sa likod ng kamera bilang isang asawa. Akala ni Alexandra, sapat na ang pagmamahal upang mapanatiling buo ang kanilang pagsasama. Hanggang sa mahuli niya ang lalaking pinili niya sa piling ng babaeng hindi niya kailanman inakalang magtataksil sa kanya. Ang sarili niyang kapatid. Ang babaeng pumalit sa kanya sa puso ng kanyang asawa, sa puwesto niya sa industriya, at sa koronang minsan niyang kusang binitiwan.Sa isang iglap, naging malinaw kay Alexandra ang isang bagay. Habang abala siyang bumuo ng buhay para sa lalaking mahal niya, abala naman ang kapatid niya na agawin ang lahat ng iyon. At ang asawa niya? Ito pa pala ang tutulong sa kapatid niya. Pero tapos na ang panahong siya ang babaeng umiiyak sa likod ng kamera. Kung gusto nina Brian at ng kanyang kapatid ang spotlight, ibibigay niya iyon sa kanila—kasabay ng pagbubunyag sa mga lihim na pilit nilang itinatago. Babalik si Alexandra sa industriyang minsan niyang tinalikuran. Gagamitin niya ang pangalan, at talento na akala ng lahat ay tuluyan nang naglaho. At kapag muli na siyang nakatayo sa tuktok, sisiguraduhin niyang hindi na nila makakalimutan ang babaeng minsan nilang niloko. Dahil sa showbiz, maaaring may pumalit sa isang reyna, pero hindi ibig sabihin noon, sa kanya na ang trono habang buhay.