Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Your cookies settings
Strictly cookie settingsAlways Active
The Retired Playboy Meets The Hot Widow - Marianne Dela Cruz and Lucas Roberts Story
READING AGE 18+
Br@ve❤️
Romance
ABSTRACT
Si Marianne Dela Cruz ay nagmula sa isang simple at mapagmahal na pamilya. Maganda, matalino, isang ulirang anak, at tapat na kaibigan. May likas na katarayan ngunit nananatiling inosente sa maraming bagay.
Sa isang iglap ay nabago ang kanyang mundo nang sa edad na disiotso ay napakasal nang wala sa oras nang dahil sa pagsasamantala ng kasintahan. Labag man sa loob ay napapayag siya nito matapos magbunga ang ginawa nito sa kanya.
Naniwala at nagtiwala siya sa pangako nitong wagas na pagmamahal kaya nanindigan sa pagsasamang sa simula pa lamang ay puno na nang makasariling layunin.
Natali sa pagiging maybahay sa loob ng walong taon at sinikap maging isang mabuting asawa, huwarang ina, at sunud-sunurang manugang.
Niloko man ng asawa ay iginanti ng tadhana at naging balo sa edad na 26.
Nang dahil sa labis na nasaktan sa panloloko ng esposo at paghihirap na naranasan sa kamay ng matapobreng kapamilya nito ay sumumpang hindi na iibig pang muli kaya kasamang Inilibing ang sarling puso sa araw mismo ng libing ng asawa.
Lucas Roberts, self-made businessman and billionaire. Nag-iisang taga-pagmana nang namayapang si Don Lucio Roberts, isang business tycoon na nagmamay-ari ng malalaki at sikat na malls sa buong Pilipinas at Asya.
Dahil sa achievements at katayuan sa buhay ay maraming kababaihan ang kusang lumalapit sa kanya kaya tinaguriang playboy ng mga kaibigan at kakilala. Nagmahal ng tapat at tinalikdan ang pagiging babaero sa ngalan ng pag-ibig. Naging balo sa edad na 29 dahil ang pagsilang ng anak ay ang kamatayan naman ng kanyang maybahay. Ngunit bago ito malagutan ng hininga ay hiniling ng asawa na hindi siya dapat malungkot at bagkus ay magmahal muli ng isang babaeng magiging mabuting ina sa kanilang anak at asawa naman sa kanya.
Labis ang kanyang naging pagdadalamhati sa pagkawala nito at bilang pagtugon sa binitawang pangako ay nagbalik sa pagiging playboy para makahanap muli ng pag-ibig.
Magkukrus ang landas ng parehong balo, ang isang sumumpa na hindi na iibig pang muli at ang isang naghahanap nang bagong mamahalin.
Si Marianne, sa haba ng panahong mag-isa ay napatunayan ang kakayahang tumayo sa sarling mga paa at itaguyod nang mag-isa ang mga anak. Kailangan pa nga ba niya ng lalaki upang maging asawa?
Marianne and Lucas are definitely compatible sa s*x ngunit ito lang ba ang batayan para magpatali sa kasal at isuko ang kalayaan?
Kung init lang naman ng katawan ang pag-uusapan, kaya niya itong iraos nang mag-isa lamang. Para ano pa't tinawag ang sariling HOT WIDOW kung ang pansariling kaligayahan ay hindi matutugunan.
At bakit pa nga ba siya mag-aasawa kung ang lalaking mamahalin din lamang naman ay isang playboy at mayaman, katangiang parehong red flag sa kanya.