Dreame - Unloving Mr. Perfect
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

Unloving Mr. Perfect
book-rating-imgREADING AGE 18+
Mary Sue
Romance
ABSTRACT
HINDI ito kwento tungkol sa makulay na mundo ng dalawang magkababata na nangakong sila laban sa buong mundo. LALONG HINDI ito isang magandang istoryang nabuo mula sa ilang taong pagsasama. Lahat ng magandang kwento, may iisang pagkakapareho--- komplikasyon. Ang kontrabida kung maituturing. Yung taong palaging dahilan kung bakit muntik nang hindi magkatuluyan ang dalawang bida sa kwento. At sa kwentong ito, si Caroline ang kontrabida--- ang komplikasyon. Isa lang naman ang patutunguhan ng lahat ng mga kontrabida. Maswerte ka na kung ang wakas ng kwento ay hindi ka lang masaya. Madalas, tuluyan ka nang naibaon sa lupa. Ang mga bida? Ayun, mas lalo silang yumaman o buntis na sa ikalawang pagkakataon-- tumanda silang masaya parin at magkasamang naglalakad sa kanilang malawak at maaliwalas na tahanan. Ang saklap, diba? Pero, paano kung mabigyan si Caroline ng ikalawang pagkakataong baguhin lahat? Ang mapahalagahan ang mga buhay na nasayang. Ang maibalik ang oras na naisugal sa ngalan ng pag-ibig. At higit sa lahat, ang mabitawan na sawakas ang ilang taong bitbit na pagmamahal para sa isang lalaking ni minsan, hindi siya minahal. Makakaya kaya ni Caroline na hindi mahulog muli, at maging masaya para sa kanya? Sa lalaking minsan nang kanyang naging asawa? Kung babalik man tayo sa nakaraan, huwag mo akong kausapin. - Caroline