Dreame - Silence Between Gunshots
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

Silence Between Gunshots
book-rating-imgREADING AGE 16+
Jechel Helongos Dreame
Romance
ABSTRACT
Mag-isang lumaki at nagtapos si Jaira matapos mamatay ang kanyang mga magulang at walang ibang kamag-anak na kumupkop sa kanya. Sa hirap ng buhay, natuto siyang maging matatag habang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho hanggang sa maging iskolar at makatapos ng kolehiyo. Dumating ang kanyang pinakahihintay na araw—ang kanyang unang pasok bilang junior financial analyst sa Mendoza & Co. Holdings, ang pinakamalaking kumpanya sa lungsod. Ngunit doon, muling nagtagpo ang kanilang landas ni Venus Mendoza—ang matagumpay at sikat na punong ehekutibo, at ang lihim niyang hinahangaan mula pa noong hayskul. Sa loob ng elevator, hindi maikakaila ang kaba at gulat ni Jaira nang makaharap siya ulit nito. Hindi niya inaasahang alam pa pala nito kung saan siya nakatalaga. Pagkababa, agad siyang ipinatawag muli sa opisina ni Venus sa pinakatuktok ng gusali. Doon, hawak ni Venus ang isang luma at kupas na litrato nilang dalawa noong bata pa sila—patunay na sa loob ng walong taon, hindi man lang siya nito nakalimutan. Sa wakas ay muling nagkita, at determinado na si Venus na alagaan at makasama na ito nang tuluyan.