Dreame - Pitong Kahel na Langit
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

Pitong Kahel na Langit
book-rating-imgREADING AGE 4+
JemLoyola
Fantasy
ABSTRACT
Si Kael, isang bata noong dekada '90 na minsang nangarap na maging isang pintor, ay lumaking hindi nabigyan ng halaga ang oras, pamilya, kaibigan at maging ang sarili nitong pangarap. Noong siya' y bata pa, likas na ang kanyang kakayahan sa sining at pagkamalikhain. Mahilig siyang gumuhit kung saan kanyang nabibigyang kulay at buhay ang mga lumang kuwaderno. Mga larawang bunga ng kanyang imahinasyon—may naiibang hugis, kulay at anyo. Dito rin niya unang iginuhit ang munting pangarap na kalaunan ay kanyang binitawan. Hindi niya maipaliwanag ang malalim na koneksyon sa takipsilim kung saan nakahiligan niyang iguhit ang kahel na langit tuwing dapithapon. Subalit sa kanyang paglaki, tila unti-unti niyang nilimot ang munting pangarap. Sa kanyang murang isipan, naniwala siyang walang magandang bukas ang naghihintay sa talentong mayroon siya. Na tunay ang sinasabi ng iba na wala siyang mararating. Dahil dito, itinuon niya ang sarili sa mga bagay na inaakala niyang makapagbibigay ginhawa sa kanya at sa pamilya, kung saan nawalan siya ng oras para sa pamilya, kaibigan at sa kanyang sarili. Higit na naging seryoso at nagmamadali, nawaglit ang kalayaan at kasiyahan ng isang bata. Isang dapithapon, sa ilalim ng mahiwagang liwanag ng kahel na langit, bumalik sa kanyang gunita ang piraso ng masasayang sandali ng kanyang kabataan. Habang ipinipinta ang kahel na kalangitan, siya'y tahimik na nagbalik-tanaw at ibinulong ang hiling ng puso na sana'y makabalik sa nakaraan. Narinig ito ng diwata ng takipsilim na tagapangalaga ng karanasan, alaala at mga kahilingan. Binigyan siya nito ng pagkakataong makabalik sa kanyang pagkabata upang ayusin ang mga pagkakamali at matutong pahalagahan ang mga bagay na payak at tunay na mahalaga. Sa kabila nito, mayroon lamang siyang limitadong oras. Mayroon lamang siyang pitong kahel na langit o pitong takipsilim upang maisakatuparan ang kanyang layunin. Kung hindi siya makababalik sa kasalukuyan ay makukulong siya sa pang habambuhay na nakaraan at hindi na kailan man makakabalik sa kanyang totoong buhay. Ano kaya ang kapalarang iginuhit ng panahon para kay Kael?