Dreame - In the Arms of My Ex-Husband's Enemy
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

In the Arms of My Ex-Husband's Enemy
book-rating-imgREADING AGE 12+
Sophia L
Romance
ABSTRACT
Sa dalawang taon ng kanilang pagiging mag-asawa, ibinigay ni Aria ang lahat ng pag-aaruga at pagmamahal kay Ethan. Kulang na lang ay sambahin niya ito, sapat lang para mapunan ang bawat pangangailangan ng lalaki. Pero sa huli, hindi lang siya nabigo na painitin ang malamig nitong puso dahil ang hayop at walang-hiyang lalaking ito, gusto pa siyang piliting mag-donate ng kidney para sa kabit niya! Hindi nag-atubili si Aria. Pinili niya ang makipag-divorce. At ang buong mundo? Abang na abang na makita siyang bumagsak at mamalimos sa lansangan. Ang nagingisi niyang ex-husband, mayabang pang nagpahayag, "Sa loob ng tatlong araw, gagapang din 'yan pabalik sa akin para magmakaawang magkabalikan kami." Ang kanyang stepsister naman na mahilig mag-flex ng pera para ipahiya siya at umaasang siya ang susunod na reyna ng pinakamayamang pamilya sa Alta Society ay todo ang pang-ookray sa kanya, "Ang laspag na 'yan? Kahit pulubi, hindi papatulan 'yan! Imposible na siyang makatapak muli sa marangyang buhay." Pero laking gulat ng lahat nang muling magpakita si Aria, nakaangkla ang mga kamay kay Zion. Si Zion na mortal na kaaway ng kanyang ex-husband, ang tunay na tagapagmana ng numero unong pinakamayamang angkan sa bansa, at ang lalaking desperadang pinapangarap ng kanyang stepsister. Bitbit ang isang matamis at nagniningning na ngiti, personal na iniabot ni Aria ang kanilang wedding invitation.   Galit na napangisi ang kanyang ex-husband: "Maghihiwalay din 'yan sa loob ng tatlong araw!" Naiiyak namang napasigaw ang kanyang stepsister, "Peke ang kasal na 'yan! Zion, ako lang ang bagay sa 'yo!"   Nang hindi man lang sila tinapunan ng tingin, mas hinigpitan pa ni Zion ang yakap sa bewang ni Aria. Bahagyang pinisil ang balingkinitang baywang ng dalaga, inilapit niya ang kanyang labi sa tainga nito at bumulong sa isang mababa, paos, ngunit nag-uumapaw sa lambing na boses, "Be good, my love. Huwag mo lang akong hiwalayan dahil kahit buhay ko, ibibigay ko sa 'yo."