Dreame - RATED X SERIES #5 : Kuya Maddox [SSPG]
close button

Add Innovel to the desktop to enjoy best novels.

RATED X SERIES #5 : Kuya Maddox [SSPG]
book-rating-imgREADING AGE 18+
Marya Grasya
Steamy Stories
ABSTRACT
Dahil sa magiging mapagbiro ni B o Maddox ay akala ng pamilya niya at mga kaibigan na wala siyang balak magseryoso sa buhay. Gayunpaman ay matagumpay ang negosyong kanyang pinapatakbo. Kaya nang magtapat siya ng pag-ibig kay Nilda dahil tapos na ito sa kolehiyo — nakakabatang kapatid ni Nhejoy — ay hindi ito naniniwala sa kanya. Kahit unang kita niya pa lamang sa dalaga — nang umamin si Rave na mahal na nito si Nhejoy — ay iba na ang tingin nila rito. Hindi lamang siya makapagtapat agad dahil nga menor de edad pa ito noon. Gayundin ang pamilya ng dalaga kahit manligaw siya sa dalaga at tanggapin kung anuman ang ipagawa ng mga ito sa kanya bilang panunuyo. Laking tuwa nga niya ng malaman na sa syudad ito magtatrabaho — sa kumpanya nila Rave. Kaya madalas na niya itong makikita at maliligaw dahil sa bahay ng mag-asawa ito nakatira. Dahil sa pagsunod-sunod niya rito bilang panunuyo ay may natuklasan siyang lihim nito. Kung ano ang kinahinhin nito sa harap ng pamilya at kasamahan sa trabaho. Kabaligtaran naman pala ang nagiging pagkatao niya pagsapit ng dilim. Dahil sa kanyang natuklasan ay tila naiba ang pagtingin niya sa dalaga. Kaya nag-aalangan ngayon siya kung itutuloy pa ba ang panliligaw rito o ihihinto na dahil nga sa ibang-iba ito sa nakilala niyang dalaga noon. Ititigil na nga ba ni B o Maddox ang panliligaw kay Nilda dahil nga sa kanyang natuklasan tungkol dito? O itutuloy pa rin niya at ilalayo na lamang ito sa madilim nitong nakaraan. Dito nga ba masusukat kung gaano niya kamahal si Nilda o tila na challenge lamang siya rito dahil nga hindi ito naniniwala sa mga pinagtatapat niya? Kung sakali kasing may makakilala sa dalaga sa uri nang trabaho nito sa gabi ay malaking kahihiyan iyon sa kanyang pamilyang may mataas na reputasyon sa mundong kanilang kinabibilangan.